Kahariang Kuru
Ang Kuru (Sanskrito: कुरु) ang pangalan ng tribong Indo-Aryano sa India noong Panahong Bakal na nag-ebolb tungo sa isang estadong Mahajanapada sa kalaunang panahong Vedic.[1] Ang angkang Kuru ay nakabase sa modernongHaryana, Delhi at mga kanluraning bahagi ng Uttar Pradesh (ang rehiyon ng Doab, till Prayag/Kaushambi) sa hilagaang India.[2]
Ang mga Kuru ay prominente sa Rigveda na lumilitaw dito bilang isang sangay ng maagang mga Indo-Aryano na namumuno sa Ganga-Jamuna Doab at modernong Haryana (mas maagang silanganing Punjab). Ang pagtutuon sa kalaunang panahong Vediko ay lumipat mula sa Punjab tungo sa Doba at kaya ay sa angkang Kuru.[3] Ang papalaking bilang at sukat ng mga tirahang pinintahang Grey Ware (PGW) sa Doab ay nagpapakita nito. Ang mga pag-unlad na ito ay humantong sa malaking pagpapalaki ng ilang mga tirahan gaya ng Hastinapur at Kaushambi tungo sa wakas ng kalaunang panahong Vediko. Ang mga tirahang ito ay unti unting nagsimulang magkamit ng mga katangian ng mga nayon. Ang tribong Kuru ay nabuo sa maagang panahong Vediko bilang resulta ng alyansa at pagsasanib sa pagitan ng mga tribong Bharata at Puru.[4] Ang mga ito ay bumuo ng unang sentrong pampolitika ng panahong Vediko na may simulang kabisera sa Hastinapur at ang sentro ng kapangyarihang pampolitika noong mga 1200 hanggang 800 BCE.[5] Tungo sa wakas ng maagang panahong Vediko, ang kabisera ng mga Kuru ay inilipat sa Kaushambi sa mas mababang Doab pagkatapos na ang Hastinapur ay mawasak ng mga baha[6] gayundin dahil sa mga kaguluhan sa mismong pamilyang Kuru.[7][8]
Sa huling panahong Vediko noong mga ika-6 siglo BCE, ang dinastiyang Kuru ay nag-ebolb sa mga kahariang Kuru at Vats na namumuno sa respektibong Itaas na Doab/Delhil/Haryana at mababang Doab. Ang sangay na Vatsa ng dinastiyang Kuru ay karagdagan pang nahati sa mga sangay na Vats (Kaushambi) at Vats(Mathura).[9] Ang Atharvaveda (XX.127) ay tumutukoy sa isang Parikshit bilang "Hepe ng mga Kuru".[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Kuru Kingdom".
- ↑ The History of India, edited by Kenneth Pletcher; Chapter: The Development of Indian Civilization from C. 1500 BCE To 300 CE|63
- ↑ The Ganges In Myth And History
- ↑ National Council of Educational Research and Training, History Text Book, Part 1, India
- ↑ M Witzel, Early Sanskritization: Origin and Development of the Kuru state, EJVS vol. 1 no. 4 (1995); also in B. Kölver (ed.), Recht, Staat und Verwaltung im klassischen Indien. The state, the Law, and Administration in Classical India, München, R. Oldenbourg, 1997, p.27-52
- ↑ The History of India, edited by Kenneth Pletcher; Chapter: The Development of Indian Civilization from C.1500 BCE To 300 CE|63
- ↑ "Kaushambhi.nic.in". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-13. Nakuha noong 2013-05-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "All-art.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-16. Nakuha noong 2013-05-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Political History of Uttar Pradesh Naka-arkibo 2012-05-12 sa Wayback Machine.; Govt of Uttar Pradesh, official website.
- ↑ Raychaudhuri, H. C. (1972). Political History of Ancient India: From the Accession of Parikshit to the Extinction of the Gupta Dynasty, Calcutta:University of Calcutta, pp.11